May mga pulis pa rin na nagdadalawang isip magpabakuha kontra COVID-19.
Batay sa datos ng Philippine National Police o PNP health service, 0.35 percent o 778 PNP personnel ang ayaw magpabakuha nang walang valid reason sa pagtanggi sa bakuna.
Habang 898 o 0.40 percent ay hindi nabakunahan dahil sa medical condition, pagbubuntis at religious belief.
Pero ayon kay PNP Spokesperson Col. Roderick Augustus Alba, nagpapatuloy ang paghikayat ng PNP sa mga hindi pa nagpabakuna.
Una nang inanunsyo ng PNP na itatalaga sa low risk duties ang mga pulis na hindi bakunado upang hindi masyadong ma-expose sa COVID-19.
Facebook Comments