LJ Reyes, inaming nakararanas ng insomnia, anxiety sa gitna ng COVID-19 pandemic

6430
(LJ Reyes Instagram)

Sa gitna ng coronavirus pandemic, aminado ang aktres na si LJ Reyes na nakararanas siya ng anxiety at insomnia dahil sa kasalukuyang krisis.

Ibinahagi ni LJ sa kanyang Instagram account ang hirap na pinagdaraanan dahil sa problemang kinakaharap ngayon ng bansa.


View this post on Instagram

It’s been hard. Ako lang ba? Or kayo din? I want to share that I haven’t been sleeping well at night. Honestly, since Summer was born, puyatan naman talaga. Pero napansin ko since 3 weeks ago, mas di ako makatulog talaga no matter how sleepy I am. And it feels like an everyday battle. Everyday trying different ways to put myself to sleep. Sabi sakin baka stress. At this difficult time, sabi nila normal. Akala ko di ako nastrestress sa mga nangyayari. But maybe subconsciously, I am feeling it. Pero I have been praying every single day! Every second! And honestly it calms me down.🙏🏻 kaya rin siguro itong baliw na to yung binigay ni Lord sakin para no dull moments! Kahit pa minsan pagod na ako sa mga jokes nya! Gusto nyo ba kayo naman makarinig ng jokes nya?!😅 kahit na pag ganitong nagtratry ako magselfie tapos bigla syang magpapa-KSP! Sa mga ganitong panahon, kasi worrier ako, narerealize ko bakit sya ang nasa tabi ko! #gratefulmondays

A post shared by LJ Reyes (@lj_reyes) on

Kwento ng aktres, hindi raw siya nakakatulog ng maayos sa gabi.

“Honestly, since Summer was born, puyatan naman talaga. Pero napansin ko since 3 weeks ago, mas di ako makatulog talaga no matter how sleepy I am,” aniya.

Pakiramdam daw ng aktres, araw-araw ay pakikipaglaban dahil lagi raw niyang sinusubukang gawin ang lahat para lamang makatulog.

“Sabi sakin baka stress. At this difficult time, sabi nila normal. Akala ko di ako nastrestress sa mga nangyayari. But maybe subconsciously, I am feeling it,” saad ni LJ.


Binanggit din niya na ang pananalangin ang nagpapakalma sa kanya sa araw-araw.

Samantala, ipinagmalaki rin ng aktres ang kanyang asawang si Paolo Contis na nakakapagpagaan umano ng kanyang araw dahil sa mga jokes nito.

“Sa mga ganitong panahon, kasi worrier ako, narerealize ko bakit sya ang nasa tabi ko! #gratefulmondays,” giit pa niya.

Facebook Comments