Mga pulis na nagpositibo sa COVID-19, pumalo na sa 4,330

Nadagdagan ng 39 na panibagong kaso ang mga pulis na nagpositibo sa COVID-19.

Sa tala ng Philippine National Police (PNP) health service, umabot na sa 4,330 ang bilang ng mga pulis na tinamaan ng COVID-19.

Umakyat naman sa 3,001 ang naitalang recoveries habang nananatili sa 16 ang mga nasawi.


Patuloy namang inoobserbahan ang 699 na probable at 2,983 na suspected COVID-19 case.

Facebook Comments