Mga pulis na nagsusumbong sa simbahan na mayroong EJK, maglabas ng ebidensiya – Malacañang

Manila, Philippines – Hinamon ng Palasyo ng Malacañang ang mga miyembro ng Philippine National Police na umanoy lumalapit sa simbahan at nagsasabi nay totoo ang extra Judicial Killing sa bansa na patunayan ito.

Matatandaan kasi na sinabi ni Archbishop Socrates Villegas na may mga pulis na lumalapit sa simabahan para isumbong ang umanoy hindi makataong utos ng kanilang mga opisyal.

Ayon kay Presidential Communications Secreatry Martin Andanar, dapat ay maglabas ng ebidensiya ang mga pulis upang patunayan ang ka ilang mga pahayag.


Binigyang diin ni Andanar na hindi kailanman kukunsintihin ng administrayon ang pagpatay sa mga walang kalaban laban at wala din aniyang EJK sa bansa taliwas sa mga alegasyon laban sa administrasyon.

Facebook Comments