Mga pulis na naka-deploy sa mga lugar na nasa MECQ at ECQ, makakatangap ng ₱500 kada araw na COVID hazard pay

Tatanggap ng ₱500 per day COVID hazard pay ang mga pulis na ideneploy sa mga lugar na nasa ilalim ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) at Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ).

Ito ang sinabi ni Philippine National Police (PNP), The Deputy Chief for Administration (TDCA) at Administrative Support for COVID-19 Task Force (ASCOTF) Commander Lt. Gen. Joselito Vera Cruz.

Paglilinaw ng opisyal, tanging mga tauhan ng PNP na naka-deploy sa panahon ng MECQ at ECQ ang pwedeng mag-claim nito at hindi sakop ang mga pulis na nagre-report sa mga opisina.


Nilinaw rin ni Vera Cruz na kapag na-claim na ang COVID hazard pay ay hindi pwedeng mag-avail ng ibang collateral allowance ang isang frontliner police.

Aniya pa na sa ngayon, nakakatangap ng food supplies, vitamins at supplements ang mga pulis na nagmamando sa mga checkpoints para panlaban sa COVID-19.

Facebook Comments