Iniutos na ni Philippine National Police (PNP) Deputy Chief at Administrative Support to COVID-19 Operations Task Force Commander Lt. Gen. Camilo Cascolan sa mga Deputy Regional Director for Administration at mga Police Regional Offices na obligahin ang mga pulis na positive sa COVID-19 na tumungo sa mga quarantine facilities ng PNP kahit pa mga asymptomatic ang mga ito.
Napag-alaman kasi ni Lt. Gen. Cascolan na naka-home quarantine lang ang mga pulis na asymptomatic sa COVID-19.
May sapat man na amenities ang mga ito sa kanilang bahay, nagpalabas pa rin siya ng direktiba na i-recall ang mga ito para ma-assess kung kinakailangang ilipat sa mga quarantine facilties ng PNP.
Pagtitiyak ni Cascolan, may sapat na quarantine facilities para sa mga pulis at iba pang tauhan ng PNP na infected ng COVID-19.
Aniya, sa ngayon mayroong 264 quarantine facilities ang PNP sa buong bansa na mayroong 5, 253 beds.
Umuukopa ngayon sa mga pasilidad ang 759 indibidwal dahil sumasailalim sa quarantine at mayroon pang bakanteng 4,494 beds.