Mga pulis na nakakapatay ng suspek, masahol pa sa terorista ayon sa isang arsobispo

Manila, Philippines – Mas masahol pa sa terorista, ganito inilarawan ng isang arsobispo ang mga pulis na nakakapatay ng suspek.

Kung maalala, isang high school student ang itinumba sa Caloocan City, matapos na manlaban hindi umano sa mga pulis.

Ayon Archbishop Oscar Cruz, gasgas at luma na ang script ng mga pulis kung saan mahirap na itong paniwalaan.


Aniya, ‘kapag ang isang tao nabaril at bumagsak, malabong hawak pa niyan ang baril.’

Dahil dito sinabi ng arsobispo, ‘masahol pa sa terorista ang diskarte ngayon ng mga pulis.’

Paalala ni Archbishop Cruz, ‘sagrado ang buhay ng tao at isabuhay ang 10 utos ng Diyos.’

Wala naman ganyanan, ‘sagrado ang buhay, ngayon mura nalang ang buhay’ – ‘Alam mo 10 lang ang utos ng Diyos, isa dito ang huwag kang papatay’ dagdag pa ng arsobispo.

Facebook Comments