MANILA – Pormal ng ipinagharap ng reklamo sa Dept. of Justice ng National Bureau of Investigation o NBI ang mga pulis na nakapatay kay Albuera Leyte Mayor Rolando Espinosa noong November 5.Kinumpirma ni NBI Director Dante Gierran, na kasama sa mga inireklamo ang 27 miyembro ng raiding team ng Criminal Investigation and Detection Group sa region 8 sa pangunguna ni Supt. Marvin MarcosReklamong murder, robbery, purjery at planting of evidence ang inihain laban sa mga miyembro ng raiding team.Binanggit din sa reklamo – ang umanoy malisyosong paggamit ng search warrant ng mga rumespondeng pulis.Kumbinsido din ang NBI – na may sapat na batayan para sabihing nagsabwatan ang mga respondent para maisakatuparan ang pagpatay kay Mayor Espinosa at sa isa pang inmate na si Raul Yap.
Mga Pulis Na Nakapatay Kay Albuera Leyte Mayor Rolando Espinosa, Pormal Nang Inereklamo Ng Nbi Sa Dept. Of Justice
Facebook Comments