Manila, Philippines – Kasunod ng 4 na oras na isinagawang re-autopsy sa katawan ni Kian delos Santos sa mismong lamay nito nakapag desisyon na ang pamilya delos Santos na magsasampa sila ng kasong murder sa mga pulis na bumaril sa kanilang anak.
Ayon kay PAO Chief Persida Acosta, walang indikasyon na nanlaban si Kian base na rin sa initial na pagsusuri ng forensic expert ng PAO.
Aniya base sa tama ng bala, murder ang nararapat na isampang kaso dahil walang kalaban laban ang kawawang estudyante.
Binigyang diin pa ni Acosta, bagamat patay na at hindi na maipagtatanggol ni Kian ang sarili, mismong ang sugat nito ang nagsasalita kung paano sya napatay.
Samantala, nagpapatuloy ang imbistigayon ng NBI sa crime scene para kumalap ng physical evidence, tulad ng basyo at tingga ng baril.
Ito naman ay iuugnay sa physical evidence na makikita sa katawan ni Kian.
Samantala, kinumpirma ni PAO Chief Acosta hawak na nila ang 3 basyo kabilang ang 9mm,45 at 38 na kalibre ng baril na nakuha ng Brgy.
May hawak na rin silang mga mag-aaral at kapitbahay ni Kian, na magpapatunay na hindi sangkot sa iligal na droga ang binaril na grade 11 student.