Mga pulis na nakatalaga sa anti-kidnapping group, sumailalim sa drug test

Negatibo sa ilegal na droga ang mga pulis at tauhan ng PNP Anti-Kidnapping Group.

Ito ay matapos na sumalang ang mga ito sa random drug testing nitong nakalipas na linggo.

Ayon kay PNP-AKG Spokesperson Police Lieutenant Colonel Elmer Cereno, ginawa ang biglaang drug test makaraang ipag-utos ito ni AKG Director Police Colonel Jonnel Estomo.


Kumuha ang AKG ng forensic chemist mula sa PNP Crime Laboratory Service upang maisagawa nang tama ang pagsusuri.

Matatandaang iniutos ni PNP Chief Oscar Albayalde ang mas pinaigting na internal cleansing para linisin ang PNP laban sa mga pulis na nasasangkot sa ilegal na droga at iba pang uri ng krimen.

Facebook Comments