Suspected COVID-19 Cases sa Cagayan Valley, Higit 2 Libo

Cauayan City, Isabela- Nasa kabuuang bilang na 2, 254 ang naitalang suspected COVID-19 cases sa rehiyon dos habang nasa apat (4) ang naiulat na probable cases.

Sa pinakahuling ulat ng PIA Region 02, mayroong suspected cases ng COVID-19 ang Lalawigan ng Cagayan na 629; dalawa (2) ang probable cases habang sa Isabela au may 860 na suspected cases at dalawang (2) probable cases.

Nasa 283 naman ang suspected cases ng Santiago City, walang probable case ganun din sa probinsya ng Nueva Vizcaya subalit mayroon itong 412 na suspected cases.


Ang lalawigan naman ng Quirino na may dalawang kumpirmadong kaso ng COVID-19 ay may 52 na suspected cases ngunit walang probable case habang sa probinsya ng Batanes na nananatiling COVID-19 free ay nakapagtala ng 18 na suspected cases.

Muling pinapaalalahanan ang lahat na huwag munang magpakampante, iwasang magtungo sa mga matataong lugar, iwasang dumalo sa mga okasyon at sundi ang mga ipinatutupad na health and safety protocols laban sa COVID-19.

Facebook Comments