Patuloy na dumarami ang bilang ng mga pulis na positibo sa COVID-19 na ngayon ay umaabot na sa 3,506 na pulis.
Batay sa ulat ng Philippine National Police Public Information Office (PNP-PIO), kahapon ay may panibagong 126 na mga pulis ang infected ng COVID-19.
79 sa mga bagong nagpositibo ay nakatalaga sa National Capital Region Police Office (NCRPO), 22 sa National Administrative Support Unit, walo sa PRO Cordillera, pito sa National Operation Support Unit, tatlo sa PRO BAR at tig-dalawa sa PRO 4A, PRO 6 at PRO 8 at isa sa PRO 9.
Pero good news, dahil sa bilang ng mga nagpositibo ay 2,521 na ang gumaling habang inoobserbahan pa ang 691 na pulis na ikinokonsiderang mga probable case at 2,689 na pulis ang suspect case ng COVID-19.
Facebook Comments