Umabot na sa 281 ang mga pulis na nagpositibo sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).
Ito ang inanunsyo ni Philippine National Police (PNP) Health Service Director Police Brigadier General Herminio Tadeo Jr.
Aniya, ngayong araw, panibagong apat na pulis ang nahawaan ng virus.
Sinabi pa ni Tadeo na sa bilang na 281 na nagpositibo sa COVID-19, 117 dito ay gumaling na habang 160 ang patuloy na inoobserbahan ng mga doktor.
Aniya pa, simula May 26, mayroon pang kabuuang 739 na mga PNP personnel ang categorized bilang probable persons under investigation (PUIs) at 594 personnel ay suspected PUIs.
Samantala, sisimulan na rin ng PNP ang operasyon ng kanilang COVID-19 RT-PCR Facility na makikita sa PNP Crime Laboratory sa Camp Crame.
Mamanduhan ito ng 13 PNP personnel kung saan pito rito ay galing sa PNP Crime Laboratory at anim ay magmumula PNP Health Service.