Mga pulis na positibo sa COVID-19, umakyat na sa 78

Umabot na sa 78 na mga pulis ang positibo sa COVID-19.

Ito ayon kay PNP Spokesperson Brigadier General Bernard Banac batay na rin sa ulat ng PNP Health Service.

754 PNP Personnel naman ay suspected at probable cases ng COVID-19.


Kaugnay nito mas strikto namang ipapatupad ng PNP ang biosafety Plan sa lahat ng kampo ng PNP, PNP headquarters, at presinto kabilang pa ang ECQ checkpoints.

Ito ay upang mapigilan ang pagkalat ng COVID-19 sa hanay ng PNP.

Samantala bukod sa agarang pag aresto sa mga lumalabas sa ECQ pinaigting rin ng PNP ang paghuli sa mga nagho hoard at nagbebenta ng mga overpriced medical equipments.

Facebook Comments