PCG Medical Team, tutulong na rin sa pagkuha ng blood samples sa nga dumating na Pinoy repatriates

Tumutulong na rin ang medical team ng Philippine Coast Guard (PCG) sa pagkuha ng blood samples mula sa mga umuwing Overseas Filipino Workers (OFWs).

Kabilang dito ang repatriates na seafarers at land-based workers na dumating sa bansa.

Ito ay bilang bahagi ng rapid test para madaling matukoy kung mayroong mga repatriates ang negatibo at positibo sa Covid at para malunasan sa lalong madaling panahon.


Kabilang sa kukunan ng blood samples ng coast guard medical team ay ang OFWs na dumating mula sa Taiwan.

Mula sa naia, sila ay sinundo ng bus ng PCG at dinala sa quarantine sites para sa labing apat na araw na mandatory quarantine.

Facebook Comments