Mandaluyong – Nakapag-piyansa na ang siyam na pulis-Mandaluyong na sangkot sa pamamaril sa isang sasakyan na magdadala sana ng isang pasyente sa ospital na ikinasawi ng dalawa katao.
Tig-P25,600 na bail bond ang ibinayad ng bawat isa sa siyam na pulis kung saan katumbas ito ng 20 percent ng kanilang orihinal na P128,000 na pyansa para sa dalawang kaso ng homicide at dalawang kaso ng frustrated homicide.
Nabatid na nagtulung-tulong ang mga tauhan ng Mandaluyong City Police at Eastern Police District upaang mabuo ang P230,000 na bail bond para sa siyam nilang kabaro.
Nananatili namang nasa ilalim ng restrictive custody si Sr. Insp. Ma. Cristina Vasquez, ang team leader ng siyam na pulis na dawit sa insidente dahil sa katatapos lamang nitong sumailalim sa preliminary investigation.
Matatandaang kasama nila ang ilang barangay tanod na itinuturong namaril sa isang SUV sa Brgy. Addition Hills noong December 28, 2017 dahil inaala nila na mga suspek sa isang kaso ng pamamaril ang sakay nito.
Huli na nang malaman nila na sa halip na mga kriminal, ay mga inosenteng sibilyan na magsusugod sana sa isang ginang na biktima ng pamamaril ang nakasay sa naturang sasakyan.
Mga pulis na sangkot sa Mandaluyong shooting incident, nakapag-piyansa na
Facebook Comments