BALIK ILEGAL | Lalaki, arestado sa ilegal na droga

Marikina – Arestado ang isang 45-anyos na lalaki sa ikinasang buy bust operation ng Marikina PNP sa Brgy. Nangka.
Nakilala ang suspek na si Teody Balag na dati nang sumuko sa oplan tokhang pero bumalik sa dating gawain na pagbebenta ng ilegal na droga.
Hindi na nakapalag pa ang suspek matapos siyang damputin makaraang bentahan nito ng shabu ang pulis na nagpanggap na buyer.
Nakuha mula kay balag ang siyam na sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P5,000, isang cal. 38 revolver at anim na bala.
Aminado naman ang suspek sa krimen at sinabing nagawa lamang muling magbenta dahil sa walang pera.

Facebook Comments