Manila, Philippines – Kinumpirma ni PNP Chief Director General Ronald Bato Dela Rosa na aabot na sa 4000 pulis ang sangkot sa mga anomalya sa kabuuang 185,000 miyembro at opisyales ng Philippine National Police.
Paliwanag ni Dela Rosa ang pinagbatayan nya ng bilang na ito ay ang listahan ng mga pulis na hinihinilang sangkot sa mga iligal na gawain, listahan ng mga pulis na may kinakaharap na kasong administratibo at ang mga pulis na naparusahan na dahil sa pagkakasangkot sa iligal na aktibidad
Sa ngayon patuloy ang imbestigasyon sa kaso ng 4000 mga pulis na ito.
Iniutos na rin ni PNP Chief sa mga tauhan ng PNP Drug Enforcement Group na makipagtulungan sa Counter Intelligence Task Force para sa patuloy na internal cleansing sa hanay ng Pambansang Pulisya.
Ang Counter Intelligence Task Force ay binuo ng PNP upang matukoy ang mga police scalawags.