Mga pulis na sangkot sa pagkamatay ng mga sundalo sa Jolo, Sulu, pinasusuko na ng DOJ

Hinimok ni Justice Secretary Menardo Guevarra ang siyam na pulis na sangkot sa pagkamatay ng apat na sundalo sa Jolo, Sulu shooting incident na sumuko na sa mga otoridad.

Ito ay kasunod ng pagpapalaya sa kanila ng Philippine National Police (PNP) dahil wala na raw sila sa ilalim ng hurisdiksyon ng pambansang pulisya at dahil sa kawalan ng arrest warrants na siya namang ikinadismaya ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Ayon kay Guevarra, mas makabubuti kung boluntaryong sumuko ang mga akusadong pulis kaysa tugisin sila ng mga otoridad.


Kinumpirma ni Guevarra na inatasan na niya ang mga prosecutor na maghain ng urgent motion sa Sulu Regional Trial Court para sa paglalabas ng Hold Departure Order (HDO) laban sa mga akusado.

Nauna nang sinabi ng Department of Justice (DOJ) na naihain na ang criminal information laban sa mga pulis noong Enero 4, 2021.

Pero dahil naka-lockdown ang Sulu dahil sa banta ng COVID-19, hindi pa nakakapag-palabas ng arrest warrants ang korte.

Facebook Comments