8 pang batch ng Pinoy repatriates, dadating sa bansa ngayong araw

2,150 overseas Filipino repatriates ang dadating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ngayong araw mula sa iba’t ibang bansa.

Sila ay binubuo ng walong batch kung saan unang dumating kaninang umaga ang 750 Pinoy repatriates mula Riyadh, Jeddah at Dammam.

Ngayong hapon naman dadating ang 1,150 Pinoy repatriates mula Riyadh, Jeddah, Dammam, at Bahrain.


Habang ang huling batch naman na 250 Pinoy repatriates mula Riyadh sakay ng Saudia Airlines flight SV870 ay dadating bago mag alas dies ng gabi.

Facebook Comments