Mga pulis na sangkot sa pagpatay kay Kian, kinasuhan ng NBI

Manila, Philippines – Sinampahan ng National Bureau of Investigation (NBI) ng kasong kriminal ang mga pulis na sangkot sa pagpatay kay Kian Loyd Delos Santos sa anti-drug operation noong August 16.

Kabilang sa isinampa ng NBI sa Department of Justice ang mga kasong murder, violation of domicile under the Revised Penal Code, at planting of evidence sa Section 29 ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Ang mga kinasuhan ay sina Caloocan City police station 7 head Chief Inspector Amor Cerillo, at ang tatlong pulis na PO3 Arnel Oares, PO1 Jerwin Cruz, at PO1 Jeremias Pereda.


Bukod pa ito sa kasong murder at torture na naunang sinampa sa DOJ ng pamilya Delos Santos at ng Public Attorney’s Office.

Facebook Comments