Mga Pulis Na Susundo Sa Umano’Y Drug Lord Na Si Kerwin Espinosa, Umalis Na Patungong United Arab Emirates

5

MANILA – Kahapon lumipad na sa United Arab Emirates ang tauhan ng PNP Anti-Illegal Drugs Group na susundo at mag-uuwi kay Kerwin Espinosa, anak ng napatay na si Albuera Leyte Mayor Rolando Espinosa Sr.Sakaling makabalik ng Pilipinas, agad na dideretso sa PNP custodial center sa Kampo Crame ang tinaguriang bigtime drug lord ng Western Visayas.Sa ngayon, umaasa ang Administrasyong Duterte na maiuuwing buhay ang nakababatang Espinosa.Tiniyak naman ni PNP Chief Director General Ronald “Bato” Dela Rosa ang seguridad ni Kerwin sa sandaling makarating ito sa bansa.Sinabi rin ni Justice Secretary Vitalliano Aguirre, una nang humiling si Kerwin na isailalim sya sa witness protection program ng DOJ.

Facebook Comments