Top Official Ng China, Bumisita Sa Zambales At Tiniyak Na Tutulong Sa Kabuhayan Ng Mga Mangingisda Sa Masinloc

23

MASINLOC, ZAMBALES – Binisita ng isang mataas na opisyal ng China ang mga mangingisda sa Masinloc, Zambales.Ayon kay Liu Sin Chong, Fisheries Assistant Director ng China, ipinadala siya ni Chinese President Xi Jinping para makipag-ugnayan sa ating gobyerno kaugnay ng tulong na maaari nilang maibigay.Partikular na gusto nilang tulungan ang mga taga-masinloc na pangingisda ang pangunahing kabuhayan.Sinabi din ni Lui, na malaya ng nakakapangisda ngayon sa panatag Shoal kahit may mga nakabantay na Chinese coast guard.Bukod dito, ipinarating din ng opisyal na gusto nilang mag-abot ng tulong sa agrikultura at livelihood projects.Ang tulong na ito ay bunga anya ng pakikipag-usap ni Pangulong Rodrigo Duterte kay President Xi ng pumunta ang Pangulo sa China, kamakailan.

Facebook Comments