Mga pulis na tinamaan ng COVID-19, nasa 6,347 na

43

Umakyat na sa 6,347 ang kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa hanay ng Philippine National Police.

Ito ay matapos na maitala ang panibagong 51 na tinamaan ng virus.

Mayroon namang 90 na bagong nakarekober kaya umakyat na ngayon sa 5,456 ang bilang ng gumaling.

Nananatili naman sa 20 ang nasawi habang kasalukuyan ding binabantayan ang 871 aktibong kaso.

Facebook Comments