Miss Colombia 2015 Ariadna Gutierrez, dumipensa sa pagtawag niyang ghost kay Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach

118

Na-misunderstood ako.

Ito ang iginiit ng 26-year-old beauty titlist-turned-actress na si Miss Colombia 2015 Ariadna Gutierrez matapos siyang umani ng batikos nang tawaging ghost si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach.

Nabatid na sinabihan ng mga netizen si Ariadna na masama ang ugali, bitter at mag-move on na mula sa pagkatalo sa pageant halos limang taon na ang nakalipas.

Sagot dito ni Ariadna, mali ang pagkakaintindi raw ng netizens sa kaniyang komento.

Hindi raw niya sinabing hindi karapat-dapat si Pia sa Miss Universe crown.

Nalulungkot din daw ito para sa mabubuting Pilipinong kakilala niya at ibang-iba raw kasi ang mga ito sa mga namba-bash sa kaniya ngayon sa social media.

Sa kabila nito, hindi nagpaliwanag si Ariadna kung ano ang ibig niyang ipakahulugan sa sinabing hindi niya ikinonsiderang “competition” si Pia sa kasagsagan ng pageant at kung bakit ikinumpara niya sa ghost ang Pinay Miss Universe.




Facebook Comments