Mga pulis, nag-ambagan para makalikom ng P8 million donasyon para sa mga nasalanta ng Bagyong Odette

Nagsagawa ng bayanihan ang hanay ng Philippine National Police (PNP).

Ayon kay PNP Directorate for Police Community Relations Director Police Major General Bartolome Bustamante, nag ambagan ang mga pulis mula sa kanilang mga bonus para tulungan ang mga nasalanta ng Bagyong Odette.

Aniya, sa ngayon ay nakalikom na sila ng P8 million at patuloy pa itong nadadagdagan.


Kaugnay nito, tiniyak din ni Bustamante na tutulong din ang PNP sa mga kabaro nilang naapektuhan ng Bagyo.

Bukod aniya sa cash ay bibigyan din ang mga ito ng “in kind” donation.

Samantala, kanina ay nai-turn over sa PNP ang aabot sa P3 million na halaga ng relief goods mula sa iba’t-ibang stakeholder kasama na ang foreign groups.

Ang mga relief goods ay ipapadala sa Visayas at Mindanao para ipamigay sa mga sinalanta ng bagyo.

Facebook Comments