Mga Pulis, Nagtagisan ng Galing Kasabay sa Pagdiriwang ng Women’s Month!

*City of Ilagan, Isabela-* Nagtagisan ng galing sa mini Olympic Games sa ‘Rifle and Pistol Shootfest’ ang mga babaeng pulis ng Isabela Police Provincial Office (IPPO) kasabay sa pagdiriwang ng buwan ng kababaihan.

Sa ibinahaging impormasyon ng IPPO, pinangunahan ni Provincial Director Police Colonel Mariano Rodriguez ang aktibidad na isinagawa sa IPPO camp, City of Ilagan, Isabela.

Nasa siyam na grupo mula sa anim na distrito sa Lalawigan ng Isabela ang naglaban-laban sa long firearm at pistol competition.


Nagtagisan rin ng galing ang bawat grupo pagdating sa pag-iimbestiga at paghahanda ng mga dokumento para sa pagsasampa ng kaso.

Inihayag naman ni Police Colonel Rodriguez sa kanyang talumpati na layon ng nasabing aktibidad na mapahusay ang kakayahan ng mga kababaihang pulis sa pagbibigay ng serbisyo sa publiko lalo na sa police operation.

Facebook Comments