Mga pulis ng Pasig at iba’t ibang NGO, nagtanim ng mga gulay sa Pasig City

Naniniwala ang pamunuan ng Pasig City Police Station na mahalaga ang kalusugan ng mga pulis at residente ng lungsod.

Dahil dito, nagsagawa sila ng urban gardening sa pamamagitan ng pagtatanim ng iba’t ibang klase ng gulay sa Brgy. Pinagbuhatan, Pasig City.

Pinangunahan ni PLt. Catherine Deligente, officer-in-charge ng Station Community Affairs Section kasama ang grupong Kaligkasan volunteers nagsagawa ng Urban Gardening ang mga pulis at ng grupong KaligKasan nagtanim ng mga iba’t ibang klase ng mga gulay sa Brgy. Pinagbuhatan, Pasig City.


Paliwanag ni Deligente na ang Urban Gardening ay ipinatupad bilang tugon na rin sa proyektong Kalig-Kasan kung saan ang mga pulis at iba’t ibang non-government organization (NGO) ay magtatanim ng mga iba’t ibang klase ng gulay sa mga bakanteng bakuran upang makakain ng masustansyang pagkain na panlaban sa COVID-19 at iba’t ibang sakit.

Giit pa ng opisyal na ang naturang aktibidad ay layon ding ipakita sa mga kabataan ang pagmamahal sa kalikasan at pagsasagawa ng urban gardening.

Facebook Comments