Mga pulis, pinaalalahanan muli na bawal uminom sa mga pampublikong lugar

Muling nagpaalala ang Philippine National Police (PNP) sa mga pulis hinggil sa mahigpit na pagbabawal ng pag-inom sa mga pampublikong lugar.

Ito ay matapos maaresto ng mga tauhan ng PNP Counter Intelligence Task Force ang dalawa nilang kabaro matapos na mahuli sa aktong nag-iinuman sa isang karenderia sa 3rd Avenue, Barangay Socorro, Quezon City noong Lunes ng gabi.

Ayon kay PNP Spokesperson Senior Superintendent Bernard Banac, dapat isipin ng mga pulis na sila ay huwaran ng disiplina at propesyunalismo.


Una nang ipinag-utos ni PNP Chief Director General Oscar Albayalde na sibakin sa pwesto ang sinumang pulis na mahuhuling umiinom sa pampublikong lugar.

Facebook Comments