Mga narerekober na cocaine sa karagatan, posibleng galing sa 3 sindikato – PDEA

337

Posibleng galing sa tatlong dayuhang sindikato ang nasa likod ng mga natagpuang cocaine sa mga dalampasigan ng ilang probinsya sa bansa.

Ayon kay PDEA Chief Director General Aaron Aquino, posibleng galing sa mga drug syndicates mula sa Colombia, China o sa ‘golden triangle’ ang nasabing ilegal na droga.

Sabi ni Aquino, nakikipag-ugnayan na sila sa kanilang international counterparts para malaman ang pinagmulan ng mga narekober na bloke-blokeng cocaine.

Facebook Comments