Mga pulis, pinag-iingat pa rin laban sa COVID-19 sa kabila ng pababang kaso sa PNP

Paalala ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) sa kanilang mga tauhan na huwag magpakakampante sa COVID-19.

Ito ay kahit na patuloy na pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa kanilang hanay.

Ayon kay PNP Chief Police General Dionardo Carlos, dapat mag-ingat pa rin ang mga pulis dahil hindi pa tapos ang pandemya at may mga nagsusulputan pang variants.


Kasunod nito, kanyang hinimok naman ni PNP Chief ang nalalabing ng mga pulis na magpabakuna.

Batay sa huling tala, 30 na lng ang aktibong kaso ng COVID-19 mula sa peak noong mahigit 3,000 noong Setyembre.

Habang ang kanilang vaccination rate ay 99.25 percent.

Facebook Comments