Mga Pulis Pinarangalan!

101

Baguio, Philippines – Pinarangalan ng “Medalya ng Kagalingan” ang siyam na pulis mula sa Police Regional Office-Cordillera (PRO-COR) at dalawa naman ang nakatanggap ng “Medalya Ng Papuri” mula sa Philippine National Police.

Ilan sa mga nakatanggap ng “Medalya Ng Kagalingan” ay sina Police Chief Inspector Marlo Evasco, PO3 Patrick Lamog at PO2 Marlon Verbo na mula BCPO para sa matagumpay na pagkakahuli kay Renato Busoy Jr. Na kilala bilang 5th Top Most Wanted ng BCPO.


Samantala nakatanggap rin naman ng “Medalya Ng Papuri” sina SPO4 Allan Sumalde at SPO3 Jonathan Pocya para sa pagkakaaresto kay Reynaldo Chavez dahil umano sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 Pinangunahan naman ni Benguet Vice Governor Florence Tingbaoen ang pagbibigay ng medalya sa mga pinarangalang mga pulis.

Idol, saludo para sa kapulisan ng Baguio.

Facebook Comments