Dapat na sumunod sa utos nang nakatataas ang mga pulis sa buong bansa patungkol sa pagsusuot o hindi ng face mask.
Ito ang pahayag ni Philippine National Police (PNP) Officer-in-Charge Lt. Gen. Vicente Danao Jr., matapos ang kautusan ng Cebu Provincial Government na nagpawalang bisa sa “mandatory” na pagsusuot ng face mask sa mga pampublikong lugar.
Ayon kay Danao, dapat na sundin lang ng mga pulis ang utos ng Inter-Agency Task Force (IATF), ni SILG at Commander-in-Chief patungkol sa pagsusuot o hindi na ng face mask sa mga pampublikong lugar.
Malalagay aniya pa sa peligro ang mga pulis kapag hindi nagsuot ng face mask kaya para kay kay Danao dapat na sundi ng lahat ng pulis ang utos ng nakatataas para na rin sa kanilang kaligtasan.
Dahil maging pangulong Duterte aniya ay nagsasabi na manatiling magsuot ng face mask lalo na sa mga pampublikong lugar.
Kung may pulis aniyang hindi susunod ay dapat nang mag-resign.