Mga pulis sa checkpoints, regular na ring pinapalitan para hindi magkasakit

Regular na ang ginagawang pagpapalitan ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) na nagbabantay sa mga checkpoints kaugnay sa ipinatutupad na Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Ayon kay PNP Spokesperson Brigadier General Bernard Banac ginagawa nila ito para matiyak na hindi sila magkakasakit.

May inilagay umanong barracks o pahingaan ang mga ito malapit sa mga lugar ng mga checkpoints para  hindi na sila kailangang lumayo.


Sinabi ni Banac na nakasuoot din ng Protective Gear ang kanilang mga tauhan para mabawasan ang posibilidad na sila naman ang tamaan ng COVID-19.

Sa kasalukuyan ay wala pa naman nairereport sa kanilang tinamaan ng karamdaman habang nakabantay sa mga Checkpoints.

Ngayong araw ang  ika-walong araw na nasa  ECQ ang Buong Luzon.

Facebook Comments