Mga pulis sa Davao del Sur, naging “scubasurero”

Tumulong ang mga police officer sa Davao Del Sur sa Coast and Dive Clean up sa Pasig Islet sa Sta. Cruz Davao Del Sur.

Ang Pasig Islet ay ang pinagmumulan ng kabuhayan ng mga residente ng Barangay Bato kaya naman nakikiisa ang mga tauhan ng Digos City Police Station para sa paglilinis nito sa pamamagitan ng proyektong Scubasurero Cleanup Project.

Layunin ng proyektong itong mapanatiling malinis ang lahat karagatan nakakasakop sa kanilang lugar para mapanatiling malinis na kapaligiran.


Pinuri naman ni PNP Chief General Guillermo Eleazar ang mga pulis dahil sa patuloy na pagbibigay ng seguridad sa lugar at pagtulong sa pagprotekta sa kalikasan.

Hinikayat naman ni PNP chief ang lahat ng mga pulis na tularan ang ginawa ng mga pulis sa Digos City.

Facebook Comments