Mga pulis sa PNP Region 11, sapat para tiyaking magiging payapa ang inagurasyon ni VP-elect Sara Duterte sa Davao

Sapat ang pwersa na ide-deploy ng Philippine National Police Region 11 para tiyakin na magiging payapa ang gagawing inagurasyon ni Vice President-elect Sara Duterte-Carpio sa Davao City sa June 19.

Ayon kay PNP Directorate for Operations Director Major Gen. Valeriano de Leon, may sapat na tauhan ang PNP Region 11 para i-deploy sa gagawing inagurasyon ng bagong bise presidente.

Magsu-supervise lamang daw sila para i-monitor kung kakailanganin ba ng augmentation force mula sa PNP National Headquarters.


Pero hanggang sa ngayon ayon kay Del Leon ay walang nakikitang pangangailangan ang PNP para magkaroon ng augmentation force.

Handa aniya ang PNP Region 11 sa pagbabantay mula sa trapiko hanggang intelligence monitoring.

Sa June 19 gaganapin ang inagurasyon ni VP-elect Sara Duterte-Carpio na inaasahang dadaluhan ni Pangulong Rodrigo Duterte at ilan pang kapamilya at mga kaibigan sa politika.

Facebook Comments