Bagama’t tapos na ang nakalipas halalan nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon ng Philippine National Police para matukoy ang mga pulitiko o mga kandidatong nagbigay ng extortion money sa mga local threat groups gaya ng New Peoples Army nitong nakalipas na halalan.
Ayon kay PNP Chief Police General Oscar Albayalde nanalo o natalo man ang pulitikong nagbayad ng extortion money sa nakalipas na halalan ay sentro ito ng imbestigasyon ng PNP.
Aniya ang PNP Directorate for Intelligence ang may hawak ng datos kung gaano karaming pulitiko ang umanoy nagbayad ng extortion money.
Pero una nang inanunsyo noon ng DILG na may 349 local and national government officials ang sumusuporta sa NPA sa pamamagitan ng pagbabayad ng extortion money.
Facebook Comments