Mga pulitiko, pinadidistansiya sa panawagang na magsagawa ang mga kabataan ng malawakang kilos-protesta kontra korapsiyon sa pamahalaan

Pinadidistansiya ng isang dating kaalyado ni Pangulong Bongbong Marcos ang mga pulitiko na makisawsaw sa panawagang magsagawa ng malawakang kilos-protesta.

Sinabi ni dating Ilocos Sur Governor Chavit Singson na dapat ay walang impluwensiya ng mga pulitiko ang isasagawang protesta kontra korapsiyon partikular na ang anomalya sa flood control projects ng pamahalaan.

Kasunod nito, muling hinikayat ni Singsong ang mga kabataan lalo na ang mga estudyante na magsagawa ng protesta.

Aniya dapat ay mag-usap-usap ang mga kabataan at mag-set ng petsa ng kanilang isasagawang rally.

Buo raw ang suporta at personal pang pupunta ang dating opisyal ng pamahalaan kapag may isasagawang pagkilos ang mga kabataan laban sa pamahalaan.

Hiniling din niya sa militar na protektahan ang bansa sa sandaling magkaroon ng kaguluhan dahil sa mga isasagawang kilos-protesta.

Facebook Comments