Sa Maguindanao, Pinaalalahanan ng Criminal Investigation and Detection Group o CIDG BARMM ang mga pulitikong may private armed groups at maging sa may mga tinatago pang hindi lisensyadong baril sa lalawigan ng Maguindanao.
Sinabi ni CIDG-BARMM Operation Officer Police Lieutenant Colonel Esmael Madin nasa 63 private armed groups pa sa ngayon ang kanilang mino-monitor at posibleng maging target ng mga susunod nilang operasyon.
Ayon kay Madin, bahagi ito ng oplan paglalansag omega na kampanya ng gobyerno laban sa loose firearms.
Nilinaw naman ni Madin na walang bahid politika at hindi personal bagkus ay ginagawa lamang nila ang kanilang trabaho sa kanilang mga inilulunsad na raid.
Matatandaang nitong mga nakalipas na araw ay kaliwat kanang pagpapatupad ng search warrants ang isinagawa ng CIDG BARMM sa Maguindanao.
Nagresulta ito sa pagkakadakip ng isang kumakandidatong alkalde ng datu salibo at pagkakadiskubre ng di lisensyadong baril sa compound ng alkalde sa Maguindanao.