Pinagpapaliwanag ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting o PPCRV ang Commission on Election (Comelec) hinggil sa mga pumalyang vote counting machine (VCM) nitong May 13 election.
Ayon kay PPCRV Executive Director Maribel Buenaobra, dahil sa mga pumalyang VCM ay hindi nakapag-print ng mga election returns (ER) na nagresulta sa delay sa kanilang encoding ng resulta ng botohan.
Aniya, lalong tatagal ang pag-encode ng mga ER kung mas malayo ang panggagalingan ng mga ito gaya ng mga island provinces.
Sabi ni Buenaobra, natanggap na nila ang mga ER mula NCR, Bulacan, Bataan at Imus, Cavite.
Pagtitiyak naman ng PPCRV tuloy ang kanilang manual encoding.
Facebook Comments