Comelec, target matapos ngayong linggo ang canvassing ng halos 170 COCs

Target ng Commission on Election o Comelec na matapos ngayong linggo ang canvassing ng 167 Certificate of Canvass o COC nitong eleksyon.

Gayunman, sabi ni Comelec Spokesperson James Jimenez malabong maiproklama ngayong linggo ang mga mananalong senador at partylist.

May mga protesta pa kasi aniyang kailangang harapin gayundin ang pag-imbita sa mga mananalo, sa kanilang pamilya at sa mga opisyal ng gobyerno.


Facebook Comments