Mga pumila na hindi umabot sa cut-off ng pagbabakuna sa SM Manila, pinauwi na ng MPD

Pinauwi na ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ang ibang mga residente na nagpumilit pumila para magpabakuna sa SM Manila.

Nabatid na umabot na sa target na 2,500 ang bilang ng mababakuhan ng first dose kaya’t sapilitan nang pinauwi ang mga nakapila.

Umaabot ng halos 4,000 hanggang 4,500 indibdwal ang pumila na umabot pa hanggang sa Carlos Palanca Street lagpas ng Ayala Bridge.


Una nang sinuspinde ang pagbabakuna sa SM San Lazaro dahil na rin sa kahilingan ng pamunuan ng mall matapos dumagsa ang libu-libong tao na nais magpabakuna ng first dose at masiguro na rin ang kaligtasan at seguridad ng publiko.

Nabatid na nasa 2,500 doses ang inilaan sa apat na mall kabilang na rito ang Lucky Chinatown Mall at Robinson’s Place Manila na una nang nag-abiso na hindi na rin tatanggap pa ng mga indibidwal na nais magpabakuna ng first dose.

Ito’y dahil sa alas-6:00 pa lang ng umaga ay naabot na rin ang target na bilang.

Pinayuhan na lamang ng MPD ang mga pumila na maghintay o mag-abang na lamang ng anunsiyo ng lokal na pamahalaan ng Maynila kung kaan at saan muli isasagawa ang pagbabakuna kahit pa ipapatupad ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Metro Manila.

Facebook Comments