Mga pumupuna sa SEA Games Opening Ceremony, kinastigo ng liderato ng Senado

Hindi pinalampas ni Senate President Tito Sotto III ang mga pintasero sa isinagawang opening ceremony para sa 30th Southeast Asian Games nitong Sabado sa Philippine Arena.

Diin ni Sotto, ang mga pumupuna sa SEA Games ay yaong hindi naman kahit kelan kumatawan sa Pilipinas sa kahit na anong International Sports Competition.

Lubos din ang pagtatanggol ni Sotto ang recorded na pagsindi sa Cauldron sa New Clark City nina Boxing Icons Senator Manny Pacquiao at Nesthy Petecio.


Giit ni Sotto, sumosobra na ang pagmamagaling ng mga bumabatikos sa SEA Games Opening Event at tila pati ang mga magagaling na personalidad na namahala nito pati na rin ang grupo na nagdirekta naman sa Opening Ceremonies ng London Olympics ay gusto pang pakialaman.

Paliwang ni Sotto, sa Opening Ceremonies ng London Olympics ay recorded din ang segment ni Queen Elizabeth at James Bond pero wala namang umangal.

Ayon kay Sotto, hindi na siya magtataka kung ang mga walang habas ang kritisismo sa SEA Games Opening Ceremony ay nagdadasal din para hindi tayo magtagumpay sa SEA Games.

Facebook Comments