Isang ordinansa ang pinirmahan ni Mayor Isko Moreno na nagsasaad na bibigyan ng parusa ang mga punerarya na tatanggihan o hindi seserbisyuhan ang labi ng isang Coronavirus Disease o COVID-19 patient.
Ayon kay Yorme, ang nasabing kautusan ay nasa ilalim ng Ordinance no. 8628 kung saan nakapaloob din dito na pagmumultahin ang mga punerarya na maninigil ng sobra sa kabaong, cremation at serbisyo sa paglilibing.
Dagdag pa ng alkalde, ang lahat ng punerarya na nasa Lungsod ng Maynila ay inoobligang gawin ang logistical at transportation support sa mga labi ng COVID-19 patient kahit pa lumabas sa pagsusuri na positibo ito o probable case lamang.
Babala ni Moreno, sususpindihin ang business permit ng mga punerarya sakaling hindi magawa ang mandated logistical at transportation support sa labi ng COVID-19 patient na malinaw na unang paglabag sa ordinansa.
Sakali naman lumabag sa ordinansa sa ikalawang pagkakataon ang mga punerarya, ang mga business permit nito ay hindi lamang sususpndihin kungdi tuluyan nang kakanselahin.