Mga punong kahoy na nagbagsakan at nakaharang sa mga daanan dulot ng Super Typhoon Karding, naalis na ng PA sa Central Luzon

Photo Courtesy: Philippine Army

Kinumpirma ngayon ng pamunuan ng Philippine Army (PA) na nagsagawa sila ng clearing operation kung saan naalis na rin nila ang mga punong kahoy na nagbagsakan dulot ng malakas na Bagyong Karding at nakaharang sa mga daanan sa Central Luzon.

Ayon kay Army chief Public Affairs Col. Xerxes Trinidad ang mga miyembro ng 91st Infantry Battalion, mahigit 200 mga miyembro ng 7th Infantry Battalion sa pakikipag-ugnayan ng Aurora Provincial government ay nagsagawa ng clearing operation sa mga daanan na naharangan ng mga nabuwal na mga punong kahoy sa Central Luzon.

 

Paliwanag pa ni Col. Trinidad bukod pa sa clearing operation, inililikas din ng mga sundalo ang mga residente na nakatira sa coastal areas ng Dingalan at San Luis bayan ng Aurora at Laur, Nueva Ecija.


Samantala, ang 3rd Mechanized Infantry Battalion Disaster Response team ay puspusan ang ginagawang pagtanggal sa mga nagbagsakang mga punong kahoy at debris na iniwang ng Super Typhoon Karding sa Tarlac City at sa iba pang mga pangunahing lansangan sa probinsya.

Naialis na rin ng mga tropa ng 70th Infantry Battalion ang mga nakahambalang na mga punong kahoy at debris sa daanan patungong Bulacan.

Dagdag pa ni Trinidad na ang Philippine Army ay puspusan ang pakikipag-ugnayan sa iba pang ahensiya ng gobyerno units, local government units at private sector sa pagpapasinaya ng pagpupursige ng bayanihan para sa mga biktima ng Bagyong Karding victims sa buong region nalubos na naapektuhan ng kalamidad.

Facebook Comments