Naubusan ng ulam: Driver-security sa Forbes Park, Makati namaril!

1682

Dead-on-the-spot ang isang gwardya at isang driver makaraang pagbabarilin ng kapwa driver-security guard sa bahagi ng Narra Street, South Forbes Park Village sa Makati City kagabi.

Kinilala ang mga biktima na sina Jay-Ar Tomenio at Eugene Sitjar.

Ayon sa salaysay nina Bernard P. Saquing, household staff at Jomar Sol, household security sa mga tauhan ng Sub. Station 5 ng Makati City Police Station, lasing ang suspek na si Julius Cortez at naghahanap ng ulam sa kusina.


Nagalit anila ito nang walang makitang ulam at walang kaabog-abog na pinagbabaril ang mga biktima.

Kasalukuyang tinutugis ng mga awtoridad ang suspek na mabilis na tumakas matapos ang pamamaril.

Facebook Comments