ILIGAN CITY- Nasa 409 na mga pupils ng Luinab Elementary School sa lungsod ng Iligan ang nabigyan ng bag packs at schools supplies ng National Grid Corporation of the Philippines o NGCP kahapon. Isang malaking bibiya na umano ng mapili ng kompanya ang nasabing paaralan sapagkat malaking tulong ito para sa mga mag-aaral. Walang kalagyan ng kanyang kasiyaan at ipinaabot na pasasalamat ng Principal ng naturang paaralan na si Mr. Zaldy Cailing sa ipinamahagi ng NGCP sa kanilang mga estudyante. Ito aniya ang unang pagkakaon na may isang kumpanya na namigay ng gamit sa kanilang mga mag-aaral. Simula grade 1 hanggang grade 3 ang nabigyan ng gamit pang-eskwela ng NGCP na galing sa luinab elementary school at del Carmen integrated school na may 80 din na mga mag-aaral. Ang gamit bulilit program ay bahagi ng Corporate Social Responsibility ng National Grid Corporation of the Philippines o NGCP.(GHINER L. CABANDAY, RMN ILIGAN-DXIC)
| | Virus-free. www.avast.com |
Mga pupils ng Luinab Elenentary School at Del Carmen Integrated School nabigyan ng Bagpacks at school supplies ng NGCP
Facebook Comments