Mga pusa, tampok sa isang tren sa Japan

Japan – Tampok ang isang tren kung saan bukod sa mga tao, pasahero rin nito ang mga pusa.
Nasa 30 pusa ang nakikipaglaro sa mga pasahero sa Gifu Prefecture.
Inilagay ang mga pusa sa tren para ipaalam sa mga taong pasahero ang kanilang sitwasyon sa mga animal shelters.
May animal shelters pa rin kasi ay mayroong polisiya na “culling” o ang pagpatay sa mga hayop na hindi naaampon.
Umaasa silang tuluyan nang matatanggal ang ganitong polisiya sa animal shelters.
Tinatayang nasa 9.8 milyon ang populasyon ng pusa sa Japan.

Facebook Comments