Pinayuhan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang mga driver at operators ng Public Utility Vehicle o PUV na magpatupad ng preventive measures para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 sa PUVs.
Batay sa Memorandum Circular 2020-005, inobliga ng LTFRB ang mga PUV operators at drivers na magsuot ng face masks sa lahat ng oras habang nasa duty at para sa lahat ng franchise holders, dapat tiyakin na nasusunod ito.
Batay sa atas ng ahensiya, dapat tiyakin ng mga terminal operators na may tamang sanitation at malinis ang kanilang kapaligiran at mayroong face mask at mga disinfectant o sanitizer dispensers na libreng magamit ng mga pasahero.
Dagdag pa ng Land transportation Office o LTO, kailangan ding i-disinfect ang mga sasakyan bago at pagkatapos ang biyahe.