Cauayan City, Isabela – Muling naghatid ng tuwa at kasiyahan ang SM City Cauayan ngayong holiday season sa pamimigay ng regalo sa mga kabataang may kapansanan.
Ito ay sa pamamagitan ng kanilang programang Bears of Joy kung saan napili ngayong taon ang mga estudyanteng may kapansanan mula sa North at South Central elementary school dito sa Cauayan City.
Bukod sa mga regalo at pagkain, nagkaroon din ng mga palaro, intermission numbers mula sa mga empleyado ng SM Supermalls at pamamahagi ng laruang teddy bears na siyang pinaka tampok sa programa.
Bingyang katuparan din ang kanilang hiling na makita at makapagpa picture kasama ang kanilang paboritong mascot na si Jollibee.
Matatandaang sa bawat pagbili ng Teddy Bears sa Bears of Joy ng SM City Cauayan ay may katumbas na isang teddy bear na mapupunta sa napiling recipient ng programa.
Kasama sa mga dumalo sa awarding ng Bears of Joy sina SM City Mall Manager Ms. Shiela Marie Estabillo, Public Relations Officer Krystal Gayle Ginez Agbulig, Cauayan PWD Affairs Office Head Jonathan Galutera at City Councilor Edgardo “Egay” Atienza na siyang chairman din ng Social Services ng lungsod ng Cauayan.